Pagsinta
Words by: Emdi Rivera
Minsan ka na bang umibig sa isang tao nang ganoon ka sobra, na minsan mo na siyang iniisip kahit saan ka pumunta? Ako? Oo, pero, hindi ko alam bakit nagkaganito. Binigay ko naman ang lahat. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagawa niyang pumili ng iba upang magkaroon ng kagalakan, kaysa sa akin habang nasa aming kahirapan. Kung mahal mo talaga ang isang tao, pipiliin mo siya, kahit ang pag-ibig ay kusa nang hindi tumitinta. Ang pagmamahal, minsa’y nawawala, minsa’y sumosobra. Ngunit, sa araw-araw, sa panahon man ng tagsibol o taglagas, siya pa rin dapat ang iyong sinisinta.