Kolehiyo ng Agham, nagtipon sa unang buwanang misa ng bagong taong panuruan
Ni: Morris Tan
Dumagsa sa UST Santisimo Rosario Parish nitong Agosto 21 ang komunidad ng Agham upang makibahagi sa unang buwanang misa bilang pista ng unang araw ng Triduum sa karangalan ni San Alberto Magno, ang patron ng kolehiyo.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Louie Coronel, O.P., ang Regent ng kolehiyo at UST Secretary-General, ang banal na misa kaharap ang mga mag-aaral, alumni, kaguruan, at kawani ng Agham.
Sa kaniyang homilya, pinaanyayahan niya ang bawat miyembro ng kolehiyo na maglaan ng oras sa mga nakaaaliw na gawain at magsikap na tunguhin ang balanse ng buhay sa loob at labas ng unibersidad.
Nagwakas naman ang misa sa pagbibigay-pugay sa mga bagong Tomasinong psychometricians.
Idaraos ang ikalawang buwanang misa ng kolehiyo sa Setyembre 23, kasabay ang send-off activites para sa mga nakatakdang kumuha ng nalalapit na Chemist and Chemical Technician Board Exams.