Babae, ang lugar mo ay nasa Agham!
Words by: Mary Noriene S. Ramirez and Brian Paguia
Artwork by: Marlan Magdalaga
Mahigit ilang dekada na ang nakararaan nang makamit ng mga kababaihan ang karapatang pumasok sa paaralan, maghalal ng mga opisyal sa pamahalaan, at magkaroon ng papel sa lipunan. Bagama’t tayo ay pinaniwala noon na ang lugar ng kababaihan ay para lamang sa gawaing-bahay, marami nang mga babae ang tumindig, at patuloy na tumitindig, upang makamit ang pagkakapantay-pantay.
Hindi natin maikakaila ang galing, talino, at kakayahan ng mga kababaihan. Dahil dito, sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 224, s. 1988, lubos na binigyang pagpapahalaga ang bilang at papel ng kababaihang manggagawa sa kasaysayan ng ating lahi at bansa — Pilipinas.
Bilang paggunita sa mga babaeng siyentipiko na tumindig at nagpakadalubhasa sa larangan ng Agham, narito ang ilan sa ating mga naging guro, pangalawang ina, at siyentipiko na naglaan ng oras at nagbahagi ng mga aral sa apat na sulok ng silid-aralin sa ilalim ng Kolehiyo ng Agham ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Prof. Carmen Kanapi, Ph. D
Si Dr. Carmen Kanapi ang maituturing na unang kauna-unahang babaeng hentista sa buong Pilipinas. Siya ay nagtapos ng doktorado na may espesyalisasyon sa genetika mula sa University of Texas at Austin. Isa sa kaniyang naging pangunahing interes ay ang genetika ng Drosophila sp., isang uri ng langaw, kung kaya’t kaniyang nailathala ang “An Analysis of Polymorphisms Among Isozyme Loci in Dark and Light Drosophila ananassae Strains From American and Western Samoa” noong 1966. Ang kanyang mga nalathalang artikulo sa lokal at internasyonal na akademya ay nagsilbing pundasyon ng mga makabagong pananaliksik ukol sa Drosophila sp.
Mula 1976 hanggang 1982, siya ay nagsilbing dekana ng Graduate School. Si Dr. Kanapi ang kauna-unahang dekana ng UST Kolehiyo ng Agham, kung saan siya ay mahusay na namuno mula 1996 hanggang 1982. Taong 2009 nang siya ay magretiro at pinarangalan ng Dean Emeritus.
Prof. Gloria C. Bernas, Ph. D
Si Dr. Gloria Bernas ang kauna-unahang nagtapos ng doktorado sa Biochemistry mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), Manila. Matapos nito, kanyang sinimulan ang pagtuturo ng biochemistry sa UST Kolehiyo ng Agham at Faculty of Medicine and Surgery. Karamihan sa kanyang mga pag-aaral ay ukol sa kanser. Ilan sa mga ito ay ang biyolohikal na pagsusuri ng mga natural na produktong maaaring maging anti-cancer, pagsasala para sa mga potensyal na transducers ng cell signaling pathways, at pagbuo ng immunocytochemical screening ng tumor markers. Tumanggap si Dr. Bernas ng iba’t ibang parangal sa loob at labas ng unibersidad, tulad na lamang ng dalawang Gold Series Award mula sa UST, Gregorio Y. Zara Award in Basic Sciences mula sa Philippine Association for the Advancement of Science, Inc., at Grupo Medica Award mula sa Philippine Council for Health and Research Development para sa kanyang pananaliksik tungkol sa mga medisinang herbal. Si Dr. Bernas ang pumalit kay Dr. Kanapi sa pagiging dekana ng Kolehiyo ng Agham mula 1996 hanggang 2002. Matapos nito, siya ay nanungkulan bilang kawaksi ng rektor sa Research and Development.
Prof. Maribel G. Nonato, Ph. D
Si Dr. Maribel Nonato ay nagtapos ng kanyang doktorado sa Organic Chemistry, na may espesyalisasyon sa Natural Products Chemistry, mula sa University of Wollongong sa Australia noong 1993. Isa siya sa mga nangungunang mananaliksik sa larangan ng nakapagpapagaling na mga gamot at natural na mga produkto.
Dahil sa kanyang nakamamanghang pag-aaral tungkol sa Pandanus species ng Pilipinas, siya ay mas kilala bilang “Pandan Queen.” Noong 1991, sinimulan niya ang pag-aaral sa Pandanus species at kanyang natuklasan na maaari itong pagkunan ng antimicrobial, antiviral substance, diuretics, antioxidants, anti-inflammatory, at antitubercular agents. Sa katunayan, ang nadiskubreng bagong uri ng pandan sa probinsya ng Quezon kamakailan lamang na kung tawagin ay Freycinetia nonatoi ay ipinangalan sa kanya. Ang kaalamang kanyang nadiskubre ay naka-impluwensya sa ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na maglunsad ng mga pag-aaral hinggil sa mga uri ng pandan na matatagpuan lamang sa kanilang bansa.
Siya ay nagkamit ng Achievement Award in Chemical Sciences mula sa National Research Council of the Philippines noong 2007; Gregorio Y. Zaya Award para sa Basic Science Research noong 2016; at Shimadzu Award for Chemical Research mula sa Philippine Federation of Chemistry Societies noong 2017. Tinanggal din si Dr. Guevara na Outstanding Chemist of 2020 ng Integrated Chemists of the Philippines. Siya ay nagsilbing dekana ng UST Kolehiyo ng Agham mula 2006 hanggang 2012. Siya ang kasalukuyang bise-rektor ng Research and Innovation ng UST.
Bukod pa rito, si Academician Nonato rin ay nagtala ng 962 citations at isa may may pinakamaraming natanggap na parangal sa iba’t ibang pang-nasyonal na organisasyon.
Prof. Alicia Aguinaldo, Ph. D
Si Dr. Alicia Aguinaldo ay nagtapos ng kanyang doktorado sa kimika mula sa UP bilang iskolar ng DOST-ESEP. Siya ay mas kilala sa kanyang mga inilathalang saliksik tungkol sa kimika ng mga natural na produktong mayroong antitubercular at antidiabetic property, at phytochemistry ng mga halaman sa Pilipinas. Ang kanyang mga pag-aaral ay nagbigay ng siyentipikong basehan sa kagamitan ng iba’t ibang halaman bilang alternatibong gamot at medisina.
Si Dr. Aguinaldo ang kauna-unahang Tomasinong mananaliksik na nakatanggap ng National Academy of Science and Technology Outstanding Young Scientist Award noong 1993. Siya rin ay nakatanggap ng National Research Council of the Philippines Achievement Award for Chemical Sciences noong 2011. Noong 2019, siya ang ikalawang nakatanggap ng PFCS Shimadzu Achievement Award for Chemical Research kasunod ni Prof. Maribel G. Nonato. Si Dr. Aguinaldo ay nagsilbing Chair ng UST Departamento ng Kimika, at naging kawaksing dekana ng Kolehiyo ng Agham.
Prof. Beatrice Guevarra, Ph. D.
Si Dr. Beatrice Guevara ay nagtapos ng doktorado sa Kimika mula sa UST. Sa ilalim ng gabay ng pambansang siyentipiko na si Alfredo Santos, siya ay nanguna sa UST ng pag-aaral hinggil sa natural na mga produkto. Kaniyang napag-aralan ang alkaloids ng halamang Tonkin at Ipomoea muricata. Sa katunayan, si Dr. Guevara ay nabigyan ng dalawang patent sa kaniyang medicinal ointment gawa sa Ipomoea muricata.
Isa si Dr. Guevara sa mga tomasinong nagkamit ng grant mula sa National Research Council of the Philippines, National Science Development Board, na ngayon ay tinatawag ng DOST, at International Foundation for Science. Nagsilbi siyang kawaksing dekana ng Kolehiyo ng Agham bago niya pinamunuan ang UST Grants Office at Office for Research and Development. Siya rin ang kauna-unahang guro sa Kolehiyo ng Agham na nagkamit ng Award for Continuing Excellence and Services mula sa Metrobank Foundation noong 2005.
Prof. Ma. Claudette A. Agnes, Ph.D.
Si Prof. Agnes ang kasalukuyang kawaksing dekana ng Kolehiyo ng Agham. Bago ang kanyang panunungkulan, pinamahalaan niya ang Departamento ng Sikolohiya sa nakalipas na 12 na taon. Siya ay naimbitahan bilang tagapagsalita sa isang pang-internasyonal na pagpupulong. Bukod pa rito, siya rin ay naimbitahan bilang tagapagsalita sa mga tatlong pang-nasyonal na pagpupulong ukol sa kalusugan ng kaisipan ngayong pandemya.
Asst. Prof. Ezra S. Aguilar, Ph.D.
Si Prof. Aguilar ay isa sa mga mananaliksik sa buong kagawaran na may pinakamaraming katungkulan sa iba’t ibang organisasyong pang-nasyonal sa larangan ng matematika tulad ng Mathematical Society of the Philippines (1973) at Philippine Mathematical Olympiad (PMO).
Assoc. Prof. Pia Marie S.P. Albano, Ph.D.
Nitong nagdaang taong 2019, itinalaga si Assoc. Prof. Albano bilang natatanging tagapagsaliksik na may titulong highest accumulated research grants. Siya rin ay pinangaralangan most funding faculty researcher from national institution sa taong ding iyon, na nakakuha ng 16.5 M pondo galing sa Commision on Higher Education (CHED) upang magsagawa ng pag-aaral sa larangang kinadalubhasaan.
Bukod pa rito, si Assoc. Prof. Albano ay nakapaglathala ng pananaliksik na pinamagatang “ATR-FTIR Spectroscopy as Adjunct Method to the Microscopic Examination of Hematoxylin and Eosin-stained Tissues in Diagnosis Lung Cancer” sa PLos One na kabilang sa Quartile 1, Multidisciplinary at pananaliksik na pinamagatang “Clostridioides difficile Antibody Response of Colorectal Cancer Patients versus Clinically Healthy Individuals” sa Bioscience of Microbiota, Food and Health na kabilang sa Quartile 1, Applied Microbiology and Biotechnology. Siya rin ay naimbitahan bilang tagapagsalita sa isang nasyonal na pagpupulong na pinangunahan ng Philippine College of Surgeons.
Sa kasalukuyan, si Assoc. Prof. rin ay nagtala ng 57 citations sa 12 na publikasyon.
Ms. Niña Kathryn Alfeche, M.Sc.
Kabilang si Prof. Grecebio Jonathan Alejandro, Dr.rer.nat, si Bb. Alfeche ay nakapaglathala ng pananaliksik na pinamagatang “Two New Endemic Species of Ophiorrhiza L. (Rubiaceae: Ophiorrhizeae) from Davao Oriental, Philippines” sa Nordic Journal of Botany na kabilang sa Quartile 2, Plant Science.
Asst. Prof. Jolleen Natali I. Balitaan, M.Sc.
Nagpamalas ng natatanging kadalubhasaan sa larangan ng biochemistry, material chemistry at green chemistry, si Asst. Prof. Balitaan ay bukod tanging nagbigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa biomaterials galing sa biorefinery bilang gamot sa sugat.
Bukod pa rito, kasama si Prof. Karen Santiago, si Bb. Balitaan rin ay nakapaglathala ng mga pananaliksik na pinamagatang “Marine waste to a functional biomaterial: Green facile synthesis of modified — chitin from Uroteuthis duvauceli pens (gladius)”, “Innovation inspired by nature: Biocompatible self-healing injectable hydrogels based on modified — chitin for wound healing” sa International Journal of Biological Macromolecules na kabilang sa Quartile 1, Medicine & at Quartile 2, Biochemistry, at “Revamping squid gladii to biodegradable composites: In situ grafting of polyaniline to -chitin and their antibacterial activity” sa Journal of Bioactive and Compatible Polymers na kabilang sa Quartile 2, Materials Science.
Prof. Cecilia Banag-Moran, Dr.rer.nat
Kabilang si G. Jorde Ordas, M. Sc. at Academician Maribel G. Nonato, Ph.D, si Prof. Banag-Moran ay nakapaglathala ng pananaliksik na pinamagatang “Ethnobotanical Uses of Pandanaceae Species in the Selected Rural Communities in the Philippines” sa Economic Botany na kabilang sa Quartile 1, Horticulture.
Si Prof. Banag-Moran rin ay naimbitahan bilang tagapagsalita sa isang nasyonal na pagpupulong na pinangunahan ng Pambansang Museo.
Prof. Christina A. Binag, Ph.D.
Si Prof. Binag ay isa sa mga mananaliksik sa buong kagawaran na may pinakamaraming katungkulan sa iba’t ibang organisasyong pang-nasyonal at pang-internasyonal tulad ng International Organization for Standardization (ISO), Department of Science and Technology — National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP), Philippine Association of Chemistry Students, Inc. (1964), at Kapisanang Kimika ng Pilipinas.
Asst. Prof. Josephine Benjamin, M.Sc.
Si Asst. Prof. Benjamin ay nakapaglathala ng pananaliksik na pinamagatang “Feature-Weighted Possibilistic C-Means Clustering with a Feature-Reduction Framework” sa IEEE Transactions on Fuzzy Systems na kabilang sa Quartile 1, Applied Mathematics.
Prof. Gina R, Dedeles, Ph.D.
Nagpamalas ng natatanging kadalubhasaan sa larangan ng bioremediation, antimicrobial screening of plant extracts, indigenous microorganism, at microbial biotechnology, Si Prof. Dedeles ay isa sa guro sa ilalim ng microbiology.
Kabilang sa mga naging natatanging pananaliksik ni Prof. Dedeles ay ang pagbuo ng katalogo para sa mga oomycetes sa Pilipinas, bioactivity screening ng fatty acid extracts galing Halophytophthora spp. at pagpapangalan sa isang uri ng Phytopythium.
Asst. Prof. Mae Lowe Diesmos, M.Sc.
Si Asst. Prof. Diesmos rin ay nakapaglathala ng pananaliksik na pinamagatang “Niche Shifts and Environmental Non-Equilibrium Undermine the Usefulness of Ecological Niche Models for Invasion Risk Assessment” sa Scientific Reports na kabilang sa Quartile 1, Multidisciplinary.
Ms. Hao Wei Hsu, M.Sc.
Kabilang si Prof. Grecebio Jonathan Alejandro, Dr.rer.nat, si Bb. Hsu ay nakapaglathala ng pananaliksik na pinamagatang “A New Species of Argostemma (Rubiaceae) with Free Stamens Star-shaped Corolla from the Philippines” sa Phytotaxa na kabilang sa Quartile 2, Plant Science.
Bukod pa rito, base sa isinagawang students’ evaluation nitong nagdaang unang semestre, taong pampaaralan 2020–2021, pangalawa sa natatanging instructor (non-tenured) si Bb. Hsu.
Prof. Mary Beth B. Maningas, Ph.D.
Nagpamalas ng natatanging kadalubhasaan sa larangan ng cell biology, marine biotechnology, fish at selfish immunology/diversity, at seaweed biodiversity, si Prof. Maningas ay isa sa mga guro sa ilalim ng cell and molecular biology at research.
Nitong nagdaang taong 2020, itinalaga si Prof. Maningas bilang natatanging tagapagsaliksik na may pinakamaraming karangalang natanggap galing sa National Research Council of the Philippines (NRCP) at Biology Teachers Association of the Philippines (BIOTA). Bukod pa rito, si Prof. Maningas rin ay ang pinakamaraming patent na natanggap sa taong 2015–2020 sa ilalim ng Department of Science and Technology Patent №1–2013–0158, 2017.
Asst. Prof. Donna May D. Papa, Ph.D.
Si Asst. Prof. Papa ay naimbitahan bilang tagapagsalita sa isang pang-internasyonal na pagpupulong na pinangunahan ng Philippine-American Academy of Science and Engineering (PAASE).
Base sa isinagawang students’ evaluation nitong nagdaang unang semestre, taong pampaaralan 2020–2021, nanguna sa mga natatanging assistant professor si Asst. Prof. Papa.
Asst. Prof. Marilyn G. Rimando, Ph.D.
Nagpamalas ng natatanging kadalubhasaan sa larangan ng genetics at developmental biology, Si Asst. Prof. Rimando ay nagpamalas ng galing at talino sa mga pananaliksik na may kaugnayan sa glucose metabolism, modulatory factors laban sa type-2 diabetes, susceptibility gene in glucose metabolic and bone disorders, at modulatory factors on mesenchymal stem cell (MSCs) differentiation.
Base sa isinagawang students’ evaluation noong nagdaang taong pampaaralan 2018–2019, nanguna bilang assistant professor si Asst. Prof. Rimando.
Assoc. Prof. Maureen B. Sabit, Ph.D.
Kabilang si Prof. John Donnie A. Ramos, Ph.D., si Asst. Prof. Sabit ay nakapaglathala ng pananaliksik na pinamagatang “Pollen Allergen Skin Test and Specific IgE Reactivity among Filipinos: A Community-Based Study” sa Allergy, Asthma & Clinical Immunology na kabilang sa Quartile 1, Pulmonary and Respiratory Medicine at Quartile 2, Immunology and Allergy.
Base sa isinagawang students’ evaluation nitong nagdaang unang semestre, taong pampaaralan 2020–2021, nanguna sa natatanging associate professor si Asst. Prof. Sabit.
Prof. Karen Santiago, Ph.D.
Bukod sa mga pananaliksik na nailathala kasama si Bb. Balitaan, si Bb. Santiago rin ay nakapagtala ng pananaliksik na pinamagatang “Effect of Surface Morphology of Electo-spun EPAA Coatings on the H2S Sensing Performance of Corresponding Interdigitated Electrodes” sa Journal of the Electrochemical Society na kabilang sa Quartile 1, Electrochemistry.
Ms. Angeli Charmaine C. Tan, M.A.
Dalawang beses na pinangunahan ni Bb. Tan ang Board Licensure Examination for Psychometricians and Psychologists (BLEPP). Siya ay nanguna sa mga lisensyadong Psychometrician noong 2014 nang makuha niya ang gradong 84.60%. Noong 2018, siya rin ay nanguna sa listahan ng mga lisensyadong Psychologist nang makamit niya ang gradong 86.85%.
Base sa isinagawang students’ evaluation nitong nagdaang unang semestre, taong pampaaralan 2020–2021, nanguna rin sa natatanging instructor si Bb. Tan.
Hindi pa dito nagtatapos ang listahan, dahil ang bawat babaeng pakultad ng Kolehiyo ng Agham ay patuloy na nagpapamalas ng galing sa kani-kanilang piling larangan. Bilang mga nangunguna sa listahan, magsilbi nawa silang inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng kababaihan. Ang tunay na Pilipino ay hindi nagpapadaig sa anumang balakid na hinaharap, at ang tunay na babaeng siyentipiko ay naniniwalang malaki ang ambag ng agham sa pag-unlad ng bayan. Abante, babae!